Storieta
English
Save & sign up

The opening · free to read

May lubos na pahintulot ang mañga Puno

Ang librong ito,i malilimus sa halagang =isang cuarta= ang isa; sa halagang =sangsalapi= ang sangdaan, at sa halagang =apat na piso= ang sanglibo, doon sa Asilo de Huérfanos sa Guadalupe, sa bayan nang san Pedro Macati, provincia nang Mainila.

Ang sulat na hin~gi ay ipadala sa P. Director cun sa Hermano Inspector nang Asilo, at bahala sila magpadala sa ituturong padadalhan sa Mainila.

Pequeña Imp. del Asilo del Huérfanos 1888.

Caiñgat ñga cayo sa man~ga masasamang libro,t, casulatan, sapagca,t, dapat ninyong tantoin na may isang cautusan ang santa Iglesiang Ina natin na ipinagbabaual ang pagbasa nang man~ga masasamang libro,t, casulatan, pati nang pag-iin~gat at pagcacalat noon; at ipinag-uutos pa na ang sino mang magcamayroon nang gayong libro,i, ibigay agad sa man~ga Puno nang santa Iglesia, sa Confesor cun sa Amang Cura caya; at cun sacali,t, di maibibigay ay sunuguin man lamang tambing. At ang utos na ito,i, mahigpit na di sapala, na cun di ninyo ganapin ay icapagcacasala ninyo nang casalanang daquila, at cun magcaminsa,i, maguiguing excomulgado pa cayo dahil sa pagbasa noon. Caya cun cusain ninyong basahin ang isang librong natatalastas ninyong =baual= nang santa Iglesia ay magcacamit cayo nang casalanang daquila, at cun sa saui ninyong palad ay abutin cayo nang camatayan sa gayong calagayang ay mapapacasama cayong magpasaualang hangan.

Ang man~ga Puno nang santa Iglesia, sa macatouid, ang santo Papa at ang man~ga Poong Cardenal na pinatungculan niya, sampon nang man~ga Guinoong Obispo, ay mayroon silang capangyarihan macapagbabaual nang balang mamasam-in nilang librong icasasama nang man~ga calolouang quinacalin~ga nila; at caya n~ga catungculan naman nang baua,t, sino mang cristianong sundi,t, ganaping lubos ang canilang man~ga utos tungcol dito.

Ang balang minamasama,t, ibinabaual nila,i, tinatandaan nama,t, isinasacay sa isang librong pinacalistahan nang man~ga librong baual at masasama. N~guni,t, palibhasa,i, hindi mangyayaring mabalitaan nila,t, maquita ang lahat na man~ga masasamang librong ipinagcacalat sa sangcacristianohan; na caya,t, di naman mangyayaring matan~ging maipagbaual na lahat; at sa cabila nama,i, cun itulot na basahin hangan di tan~ging ipagbaual ang man~ga gayong libro,i, macasasamang lubha sa man~ga caloloua; dahil dito,i, ang santa Iglesia, ang man~ga nasabing Puno baga nang santa Iglesia, upang mahadlan~gan hangan macacayanan din lamang, ang gayong man~ga calaguim-laguim na capahamacan, ay mayroong ibinigay sa atin nang man~ga utos na paraang pagcacaquilanlan nang man~ga libro, na, cun di pa tan~ging ipinagbaual, ay dapat nating parahing baual; at cun sacali,t, basahin ay ipagcacasala natin nang casalanang daquila, na para rin cun basahin ang tan~gi nang ipinagbaual.

Isusunod co n~gang sasaysayin dito ang man~ga pan~gulong utos na paraang aquing sinabi, at nang mapagquilala mo, guiniguilio cong bumabasa nito, ang dapat mong asalin tungcol dito sa lubhang mahalagang bagay na icaliligtas nang caloloua mo sa capahamacang ualang hangan.

=ii.=

Ang caunaunaha,i, baual ang lahat na man~ga libro sa Santong Casulatan na inihulog nang man~ga ereje sa uicang castila, cun sa uicang tagalog, cun sa alin mang uica; cun sacali,t, cristiano man ang maghulog ay cun ualang pahintulot ang man~ga Puno.--Caya n~ga ang lahat na man~ga libritong han~go sa santong Sulat sa bagong Testamento, na ipinagcacalat na limbag sa Oxfort at sa Hong-kong sa uicang castila at cung magcabihira,i, sa tagalog, ay pauang =baual=; sampon niyang man~ga Evangeliong uicang castila cun tagalog caya, na iniin~gatan nang marami, cun isinasabit sa liig na parang anting-anting, ay =baual= din naman.

Ang icalaua,i, baual din ang man~ga librong sadyang nagtutucoy, nagsasalita, cun nagtuturo caya nang calibugan, cahit doo,i, ualang nahahalong maling aral cun erejía caya.--Alinsunod dito,i, baual iyang lahat na man~ga palasintaha,t, auit at corridong paraparang mahahalay, na totoong quinauiuilihang basahing nang caramihang man~ga tagalog, lalaqui man at babayi man. ¡Daming ba pa nang man~ga nan~gapapan~ganyayang caloloua dahil dito sa man~ga tampalasang auit at palasintahan! Cun touirin ninyong mabuti ay agad matatalastas na ang pagcapan~ganyaya nang di mabilang na man~ga bagong-tauo,t, dalaga,i, nagmula sa pagbasa nitong man~ga =baual= na auit at palasintahan.

Ang icatlo,i, baual naman ang man~ga =devociones= cun tauaguin, ang man~ga panalan~gin, at man~ga casulatang quinapapalamnan nang man~ga pan~gacong sinun~galing, na di umano,i, ang man~ga gayo,t, gayon ay ualang di pangyayari.--Caya n~ga,t, alinsunod dito,i, iyang man~ga =panalan~gin=, at iyang man~ga =casulatan= na di umano,i, nalaglag sa Lan~git, at nasumpun~gang nacababao sa santo Sepulcro, sa altar cayang pinagmimisahan nang santo Papa, at iba,t, iba pang ganito na ipinalimbag sa man~ga panahong ito sa uicang castila ma,t, sa uicang tagalog, at ipinagcacalat na mainam nang man~ga alagad nang demonio, ay pauang =baual=, at ipagcacasala nang sino man ang pagdarasal at ang pagbasa noon, pati nang pagcacalat at pagiin~gat niyon.

Ang icapat ay baual din naman ang lahat na man~ga libro, man~ga munting fojas, at munti man man~ga casulatang nagtuturo nang panghuhula, panggagayuma, pangculam, at iba,t, iba pa.--Ayon dito,i, ipinagcacasala ang pagbasa,t, pag-iin~gat ang man~ga =lunario=, cun tauaguin nang iba; at iyang lahat na man~ga casulatang iniin~gatan nang man~ga han~gal na ualang namumuan~gan; na marahil cun caya iniin~gata,t, pinaniniualaan ay di umano,i, sulat yaon nang man~ga matatanda, na man~ga han~gal pa sa canila.

Ang icalima,i, baual na lahat ang man~ga libro na hangan sa taon 1584 at hangan n~gayo,i, nilimbag ó lilimbaguing ualang itinuturong pan~galan nang sumulat ó cumatha, nang nagpalimbag, nang pinaglilimbagan, pati nang panahong ipinagpalimbag; at cun sacali ma,t, may itinuro ang lahat nang ito,i, man~ga hindi totoo ang itinuturo, at paconouari lamang; sapagca,t, ito,i, nagpapaquilalang dapat pan~ganibang may taglay na lico,t masasamang aral na di dapat basahin nang isang cristiano.--Alinsunod dito,i, ang lahat na man~ga auit at corrido, na arao-arao,i, ipinalilimbag na ualang pahintulot, at ualang itinuturong may catha, (na palibhasa,i, iquinahihiya ang sinulat ay di ibig na maquilala) ay paraparang =baual= na lahat; lalong lalo na,t, ang caramihan niyang man~ga auit ay man~ga punong puno nang man~ga camaliang di naayon sa man~ga aral nang santa Iglesia.

Gayon din naman iyang man~ga libro,t casulatang ipinagcacalat n~gayon sa uicang castila at sa uicang tagalog na uala ring itinuturong may gaua,t, may palimbag; at ang laman niyon ay pauang cabulaanang laban sa señor Arzobispo at sa man~ga Pareng religioso, na pati nang man~ga cagalang-galang na man~ga Madre religiosa, ay di rin quinaalang-alan~ganan nang tampalasan nilang pluma, ay ang lahat na ganiyang man~ga libro,t, casulatan ay =baual= na basahin, at ipagcacasala nang daquila ang pagbasa,t, pag-iin~gat noon, at lalong lalo na ang pagcacalat.

Pauang cabulaanan, uica co; sapagca,t, cun mapatotohanan nila sana ang canilang man~ga sinasabi ay hindi nilang ipagmamacahiyang maalaman ang canilang man~ga pan~galan; at cun totoo sana ang laman niyang man~ga carimarimaring sulat ay ualang sucat icatacot ang may catha man, ang lumimbag man, ó ang nagpapalimbag, at nagpapacalat caya, cahit sila,i, ipaghabla,t, isacdal sa Justicia nang man~ga pinararatan~gan nila nang gayong man~ga casamaan. ¡Tunay n~ga pala na ang man~ga nagcacalat nang man~ga gayong sulat na anónimo (ualang pan~galan) ay sucat ipaquibilang sila sa man~ga tauong ualang hiya!

Ang icaanim ay baual ang lahat na man~ga librong sulatin cun ipan~galat, na ang taglay na laman ay man~ga maling caisipa,t, man~ga aral na laban sa pinasasampalatayanan sa atin nang santa Iglesia.--Gaya nan~ga baga nang librong catha nang =Dr. Rizal=, na ang pan~gala,i, =Noli me tangere=, na pinupuri,t, binabasang ualang agam-agam nang maraming natuturang cristiano, baga ma,t, sa pagbasang ito,i, nagcacamit sila nang casalanang daquila; sapagca,t, ang nasabing libro,i, punong puno nang man~ga =erejía,t,= man~ga aral na laban sa ating santa Religión. Halos sa baua,t, fojas at sa baua,t, talata ay may mababasa roong man~ga sabing sinun~galing, man~ga udyoc na capangahasan, man~ga nacamumuhi,t, mahalay na iparin~gig sa man~ga tunay na cristiano, man~ga paglalapastan~gan sa man~ga cagalang-galang na Puno nang santa Iglesia at sa caramihang cristiano, man~ga pagsisiphayo sa Dios, man~ga camangman~ga,t, cahunghan~gang humihicayat sa pagcampi sa tacsil at sucab na si =Lutero= at sa iba pang man~ga ereje, man~ga aral na lubhang lihis at man~ga =erejíang= tunay; ano pa,t, hangan sa umuudyoc upang houag sampalatayanang may Dios. Ang lahat nang ito,i, pauang mababasa diyan sa tampalasang libro, at caya =baual= na basahin, at ang pagbasa noo,i, isang lubhang mabigat na casalanan. At ang may catha noon, ang =Dr. Rizal= baga, cun taimtim sa caniyang loob ang man~ga sinulat niya sa nasabing libro at hindi pa niya pinagsisisiha,t, tinatalicdan, ay dapat na ariin siyang =tacsil= at =tampalasan sa Dios, ereje= at =excomulgado=.

Tingni, man~ga guiniguilio cong tagalog, tingni,t, masdan itong caauaaua capoua ninyong tagalog, na pinupuri nang marami sa inyo na parang ualang capara sa carunun~gan; ualang dao ga sino si Rizal; di umano,i, capurihan dao nang lahi ninyong tagalog, na sucat ninyong ipagparan~galan. ¡Ay sa aba co! At lalong catampatang sabihin, na sucat inyong ipagmamacahiya ang gayong cahabag-habag na bulag na loob; sapagca,t, siyang caunaunahang tagalog na cusang gumamit nang caniyang camay sa pagsulat nang man~ga catacot-tacot na catampalasanan sa Dios, sa ating santa Religión cristiana, at sa man~ga sinasampalatayanan natin.

Bucod pa sa siya,i, tampalasan, ay hañgal pa naman sa madlang bagay; sapagca,t, cun siyasatin ang pagcagaua nang nasabing libro,i, isip ninyong hindi ang camay nang may bait na tauo, cundi ang paa nang isang mangmang ang isinulat noon; at halos sa lahat nang fojas ay mapagmamalas na ang gumaua,i, han~gal na han~gal sa paghahanay nang masanghayang pananalita, lalong lalo na sa uicang castila; ang totoong tan~ging matatanghal doon ang sino man ay ang isang sucab at tacsil na pagcapoot niya sa ating santa Religión at sa España.

Ang icapito,t, catapusa,i, baual ang lahat na man~ga librong malaqui ma,t, maliliit, ang man~ga munting calat na casulatan, ang man~ga diario, at balang nang sulat na ang laman ay lumalaban sa man~ga aral nang santa Iglesia; ang tanang casulatang nagpupuri sa man~ga camaliang hinati,t, sinala nang santo Papa, gaya nang man~ga sinala ni Pio IX sa caniyang casulatang padala sa sangcacristianohan, nang 8 de Diciembre de 1864; ang balang nang sulat na cumucut-ya sa man~ga Santong guinagalang nating sa man~ga altar, cun nagsasalita caya nang man~ga cabulaana,t, ipinataratang sa canila nang man~ga gaua, man~ga uica,t, man~ga acalang di ucol sa cabanalan; ang lahat nang man~ga librong nanunuya sa man~ga Sacramento,t, sa man~ga ugaling paraang na ipinag-uutos nang santa Iglesia sa pagmimisa, pagdarasal, at sa iba,t, ibang man~ga gauang magaling; at sa cauacasa,i, ang dilang casulatang sa conouari ma,t, di conouari ay cumacampi sa man~ga camaliang aral na laban sa pananampalataya at sa man~ga mabanal na asal.--Laban dito sa cautusang itong bigay nang santo Papang si Pio IX, upang masaula ang man~ga cristiano sa pagbasa nang m~ga masasamang =diario,= ay hindi lamang nagcasala ang man~ga bumabasa nang balang na sa man~ga nasabing casulatan, cundi pa naman ang nan~gacacatulong sa pagpalimbag at sa pagcacalat, gaya baga cun limbaguin, ipagbili, bilhin, pasulat, at iba pa.

The book keeps going

Keep reading, and see it illustrated

Reading is free forever. Sign up and watch scenes appear while you read.

Illustrated scene from FrankensteinIllustrated scene from The Great GatsbyIllustrated scene from Pride and Prejudice

Scenes Storieta drew for other classics.

New illustrated classics

A new classic, drawn, in your inbox.

Once or twice a month: the latest books to get full character casts, scene art, and free comic editions. No account needed.